\o/ ANINO at LIWANAG \o/
Balikbayan Box
Ni Yuri Cipriano
Paano pa kaya itutungtong sa lupa
Itong sapatos na bago’t napakarangya?
Kung lupang pagaapakan o lalakaran
Ay isa nang napakalawak na sisidlan –
Imbakan ng mga journalist at sibilyan.
Kanino pa kaya isusuot ang damit
Na sadyang hinalukay sa magarang boutique?
Kung katawan na sana ay pagdadamitan
Ay binalutan na ng kasuotang punit –
Makintab na barong at itim na pantalon.
Sino pa kaya ang susubok na titikim
Nitong Honey Toblerone Dark na mamahalin?
Kung ang minamahal na sana ay kakain
Ay kalas na ang ipin, ngalangala’t panga –
Sumabog dahil sa ipinakaing bala.
Ano pa kaya ang maaring maging silbi
Nitong pinag-ipunang Hi-tech Karaoke?
Kung ang dating awitan ni Nonoy at Nene
Ay napalitan na ng luha’t dalamhati –
Hiyaw na nananawagan ng katarungan!
Kailan pa kaya mabibigyan ng wakas
Pagpapahirap sa lupang sabi’y malaya?
Kung ito’y nananatili sa mga pangil
Ng mga mamamatay tao at gahaman –
Paninibugho
Ni Yuri Cipriano
I
Mabuti pa si Pacman
Sa bawat panggugulpi sa kalaban
Pinapalakpakan
Mga magagandang tsikas
Na nais makatikim ng kanyang lakas
Sa pangalan niya'y umaangkas
Pinag-aagawan ng mga pulitiko
Upang sa kanila ay mag-endorso
Masiguro lang ang inaasam na panalo
Pati nga itong si Gloria
Nagkakandaugaga sa pagsalubong sa kanya
Sabay sabit pa ng Order of Sikatuna
II
Mabuti pa si Kuya Efren
Sa pagtutulak ng kariton
Napansin ng CNN
Siya ngayon ay kinikilalang bayani
Hinahangaan ng marami
Naumpisahan niya'y sagot daw sa iliterasi
Inuwi niya sa bansa ay hindi lang karangalan
May bitbit pa siyang limpak na kayamanan
Simbahan nga'y kasama sa mga nabalatuhan
Kaya naman itong si Gloria
Upang kabulukan ay maikubli sa masa
Nag-alay sa kanya ng Order of Lakandula
III
Pero teka nga muna
Bakit kaming mga pinoy na nasa ibang bansa
Patuloy pa rin sa pangungulila
Sabi'y kami raw itong mga "bagong bayani"
Feminisasyon ng Migrasyon
Ni Yuri Cipriano
Binugaw ng karukhaan sa bayan ng mga kebab,
tinangkang pitasin ang inaasam na ginhawa.
Ngunit ninanasa ay binakuran ng arbab,
patalim ay niyayakap alang-alang sa pamilya.
Kanser itong nagsusulputan na parang kabute.
29 Oktubre 2009
Hakbang Buhay
Nasaan ang Bahaghari?
Ni Yuri Cipriano
Ang mga larawan sa pahayagan at internet ay nagtatanong:    Nasaan na nga ba ang bahaghari?
Ah, ang bahaghari’y nakasulat sa Cha-Cha, Mining Act of 1995 at JPEPA – baga’y na sa sikmura’y magpapayapa.
Ehem, ngunit bakit kalikasan ay laging nagbabanta’t pisngi niya’y binabaha? Hindi kaya ang bahaghari’y sumama na sa propetang binusog ng punglo at natabunan na ng lupa?
Ah, ang bahaghari’y mapapakinig sa SONA at sa talumpati ng mga nakabarong na makikisig – siyang katotohanang dapat paniwalaan ng taong sa demokrasya’y nananalig.
Ehem, ngunit bakit bayan ngayo’y sa putik tumatampisaw at sa gitna ng basurang rumaragasa paghingi ng tulong ang isinisigaw?
Ah, dahil ang Diyos ni Noah sa Salita  ay hindi naging tapat, kaya’t kulay ng bahaghari ay nakupas – tadhana itong dapat unawain, hindi na sakop ng batas.
Makabagong Rebolusyon
ni Yuri Cipriano
Mga nagwewelgang bulate
ang naghawi sa kastilyong nakalutang sa ulunan ni Maria.
Sa pagbangon niya’y bumungad sa mata
ang pintuan ng kahon de yelong (nilalaman ay ang naulilang uling sa tasa)
pinapalamutian ng samu’t saring papel – nananawagan:
kami’y iyo nang bayaran!
Nakita’y hindi na ininda – bingi na si Maria.
Dagli niyang isinuot ang kamisetang nabungkal sa ukay-ukay,
at saka binaybay ang haba ng bangketa (dahil sa may pako ang gulong
ng mga pampasadang sasakyan – umaarangkada na naman kasi ang gasolina).
Sa kanyang paglalakad ay nakabanggaang balikat
ang batang naghahanapbuhay sa lansangan -- hawak ay isang magarang bag.
Nakangisi lang ang nakaunipormeng bundat.
Banderitas ng mga tindahan ang iba’t ibang balita:
ibong nakalipad ang magnanakaw, nagkapera ang ginahasa,
napipi ang saksi, nilalamayan ang makabayan, dinurog ang bahay ng mga dukha,
Paraan ng OFW sa kung paano manatili sa trabaho
Ni Yuri Cipriano
Kahit laylay na ang dila
ay subukan pa ring
ngumiti,
buto ay banatin
ng walang pahinga’t
sungit.
Pamanhirin ang sikmura’t
pandama
sa lamig, init,
gutom at pati anghit
ng katrabahong
asal itik.
Kapag hindi na kaya’y
isipin lang si bunso
at ang kinabukasan
ng bayang sa hirap
ay nakapako.
Kapusin man sa hininga’y
huwag basta susuko,
alalahaning kaunti na lang
ay makakaahon na rin…
at sa pagtitiis,
mga pasakit ay matagumpay
na maigugupo.
Ika-24 ng Agosto 2009
Si Sarah Geronimo at ang OFW
Ni Yuri Cipriano
Parang pinagdugtong-dugtong na tren
Ang haba ng mga kababayang nakapila
Sa bungaran ng Dubai World Trade Center.
Kahit na nga panahon ay nakakapawis,
Nagawa pa ring makisiksik, makabili lang
Ng tig-isang daang dirham na ticket.
Nang si Sarah ay magsimula nang umawit
Ang tilian at kislap ng kamera’y pumailanlang
Sa bawat sulok ng nagsusumikip na paligid.
Nagsitakasan ang pagod at pagkalungkot
Sa mukha ng mga kabayang dati’y nakasimangot.
At sa pagsabay sa You Changed My Life in a Moment
Financial crisis ay dagling nabaon sa limot.
Ika-14 Agosto 2009
Dubai World Trade Center
Laban ng mga Naulila
Ni Yuri Cipriano
Kami na mga bayaning
sa ibayong dagat kumukuta
sumaksi sa pagdadalamhati
ng bayang sa ina ay naulila --
Inang nagpamalas
ng kagandahang nagpahina
sa lakas ng kamaong bakal
na sa sambayanan ay nagdusta.
Habang dalamhati
sa pagpanaw niya’y dinaramdam
kami na nasa tigang na lupain
ay may nais ipanawagan:
na buksan ang ating puso
at ang pumanaw na ina’y
dito bigyang buhay;
na luha sana’y pawiin na
at nang makita ang katotohanang
sa loob ng Malakanyang
ay buhay na buhay pa ang kalaban.
Ika-5 ng Agosto 2009
Tanong Lang
Ni Yuri Cipriano
16 bilyong dolyar nami’y nasaan na?
Halagang ipinadala
upang pagapang na ekonomiya’y
maisalba.
Pera itong pinagsikapan
ng mga abogadang
namasukan bilang sekretarya,
ng mga summa cum laude
na sa Dubai Mall
naging tindera,
ng mga guro
na sa arabong restawran
ay naging serbedora
at ng mga unico hijang
natutong magputa.
Punyeta!
Baka naman padala nami’y
naibulsa na.
Diyos ko po!
Huwag naman sana.
Deira, Dubai, UAE
Mabuti pa ang Bato
Ni Yuri Cipriano
Mabuti pa ang bato –
matigas. Itapon man sa itaas
at sa lupa’y bumagsak –
‘di mababasag.
‘Di tulad ng aming loob –
marupok. Kapag si bunso’y
matisod at makalunok ng bilog –
loob nami’y madudurog.
Mabuti pa ang cash machine –
sagana. Sa maghapon magdamag,
labas pasok ang pera –
‘di pumapalya.
‘Di tulad ng aming bulsa –
laging walang lamang pera.
Ang kada-buwang pagsisikap –
ubos lahat sa padala.
Mabuti pa ang rebulto –
matatag. Sa gitna ng init,
lamig at sandstorm –
‘di natitinag.
‘Di tulad ng aming katawan –
maselan. Sa dahas ng panahon,
nagkakasakit at napapagod –
ulo ay napapanot.
Hindi kami bato, cash machine
o rebulto. Kami’y mga simpleng
tao – isang hamak
na OFW.
ika-30 ng Hunyo 2009
Habang Kayo'y Namamahinga
Habang Kayo’y Namamahinga:  Para Sa Aking Mga Kababayan Sa Gitnang Silangan
Ang buhay na hindi sinusuri
ay buhay na hindi isinasabuhay.
- Socrates
Salamat naman at Biyernes na
Araw ng inyong pamamahinga
Kayo nang matulog sa maghapon
Damhin ang lambot ng inyong kutson
Habang sa ating sariling bayan
Mga mamamaya’y nangangamba
Isinusulong na naman kasi
Itong Cha-Cha ni Gng. Gloria
Kaya aking mga kababayan
Kung kayo’y ‘di naman inaantok
Ano kaya’t buksan ang DVD
At manood ng pelikulang bold
‘Yaan nang maisakatuparan
Nitong mga ganid na tongressman
Ang ConAss na pinagtatalunan
Na sila lang ang makikinabang
Pagkatapos n’yong manood ng bold
Sa Simbahan kayo ay magtungo
Ipagdasal ang inyong pagyaman
Harinawang kayo’y mapagbigyan
Gobyerno nama’y walang pag-asa
Ang gumiginhawa’y sila-sila
Parliamentary form of government
Ang sa ngayo’y pinapangarap na
Walang Iwanan sa Bayan ni Juan
Ang Kaibigan Kong si Mashreq
Ni Yuri Cipriano
Maghapon,
magdamag ay nakatayo
sa tabing kalsada.
Sa kanyang trabaho
kahit minsa’y ‘di pa
nagpahinga.
Sa aking mga kababayan
siya’y namimigay
ng pera.
10 Hunyo 2009
Aba, Aba, Aba : Tulang pambata na dapat munang mabasa ng mga matatanda
(A victim blaming poem)
Ni Yuri Cipriano
Aba, aba, aba
Ang bata, ang bata,
Ang bata, nadapa
Nadapa, nadapa
Nadapa ang bata
Aba, aba, aba
Ang ina, ang ina
Ang ina’y lumapit
Lumapit, lumapit
Lumapit ang ina
Aba, aba, aba
Ang inang lumapit
Nagalit, nagalit
Nagalit sa bata
Sa batang nadapa
Aba, aba, aba
Minura ng ina
Ang ina’y nagmura
Minura ang bata
Ang bata ay minura
Aba, aba, aba
Ikaw ay tatanga-tanga
Tatanga-tanga, tatanga-tanga
Ang mura ng ina
Ang ina’y nagmumura
Aba, aba, aba
Nasugatan ang bata
Nasaktan ang bata
Ang bata, ang bata
Ang bata’y nadapa
30 Mayo 2009
TXT BCK PLS
Ni Yuri Cipriano
Unang linggo ng buwan:
Kmusta n kau jan s pinas?
Ntanggap nyo nb pdala ko?
Tit tiit tiiit tiiiit…
Yayaman ka! Win
P 100,000 dis week!
Dahil nag Share-A-Load ka
Pangalawang linggo ng buwan:
Kmusta n kau jan s pinas?
Ano blita?
Tit tiit tiiit tiiiit…
Sa P10, ligtas pamilya mo!
P10,000 accident insurance,
15 days. Txt PHILAM AKSI ON
Pangatlong linggo ng buwan:
Kmusta kau jan s pinas?
Oks lng b kau, may prob b?
Tit tiit tiiit tiiiit…
Dear SMART Gold customer,
Welcome to UAE and thank
you for choosing du.
Pang-apat na linggo ng buwan:
Kmusta n kau jan s pinas?
Nttanggap nyo b mga txt ko?
Tit tiit tiiit tiiiit…
Sumahod knb?
Dagdgan mo pdala ngaun ha.
Gusto ko bmili ng iPod.
28 Mayo 2009
Filipino Time: Kung Paano Ko Hinabol ang Alas-Otso
Ni Yuri Cipriano
7:15 ng umaga.
Kalalabas ko lang sa pintuan
ng bahay.  Kailangang makarating
sa opisina bago mag-alas
otso.  Patakbong pumunta
sa Al Satwa bus station.  Tagaktak
ang pawis habang pumila sa sakayan.
7:25, wala pa ring dumarating na bus.
Kaaalis pa lang daw kasi ng isang bus
sabi ng ginoo sa unahan ko.
Heto na, may paparating…
Isa-isang sumakay ang mga tao.
Limang tao na lang, ako na.
Ihahakbang na ang paa
paakyat sa bus ngunit biglang
nagsara ang pinto.
Puno na.  Maghihintay na naman ulit.
7:30, kailangang ko nang gumawa
ng paraan.  Pumara na ako
ng taxi.  Bilisan -- sabi ko sa driver.
7:50, nasa Maktoum bridge pa lang.
90 kph na ang takbo ng taxi…
Tanaw ko na ngayon ang bubong
ng building namin.  Nasa Deira na ako.
Pagbaba sa taxi, pasok naman sa
Lift…
1
2
3
4
5
6
7
8
9
Teng!
Pagbukas ng pinto,
7:59 na ng umaga.
26 Mayo 2009
Sa Kandungan Mo
Sa iyo kami’y malaya --
Malayang kumain ng baboy.
Madalas mo kaming awitan ng panalangin
Sa madaling araw…
Sa tanghali, hapon at gabi.
Sa lansangan mo’y masisilayan
Ang kakaibang palamuti:
Mga hita, braso, dibdib at likod.
Ngunit sa piling mo’y nahihirapan huminga
Bakit kasi may inampon pang iba --
Ang mga lahing amoy paa.
Kami tuloy ngayon ay nangangamba
Ito kasing iba mo pang ampon
Kapag nanggigil, kami ang pinipisil.
Ah! Ano pa bang magagawa?
Ikaw na ang aming bagong tahanan
Al Satwa.
19 Mayo 2009
Ang Aking Mahiwagang Maleta
(Tulang Pambata Na Dapat Munang Mabasa At Maisaulo Ng Mga Matatanda)
Ni Yuri Cipriano
Ilalagay ko sa aking Mahiwagang Maleta
Ang mga Kabayan dito sa Dubai na walang pakialam sa kapwa
Ang mga Kabayan dito sa Dubai na mataas maningil ng paupa (sa bahay)
Ang mga Kabayan dito sa Dubai na nambubugaw ng mga Pinay
Ilalagay ko sa aking Mahiwagang Maleta
Ang mga amo na mababa magpasahod sa mga Pilipino
Ang mga amo na hindi nagbibigay ng working Visa
Ang mga amo na mahilig manakit at nananamantala
Ilalagay ko rin sa aking Mahiwagang Maleta
Si Gloria at ang bundat n’yang asawa
Si Joc-Joc at ang lahat ng pulitikong hudas
Si Palparan at ang lahat ng nagpapahirap sa Bayan
Ang aking Mahiwagang Maleta ay gawa sa rehas
Ang laki nito ay tulad ng sa Malacañang palace
Napakatibay nito, hindi masisira sapagkat napakatigas
Ang sinumang ipapasok ko rito ay hindi na makalalabas
Ikakandado ko ang aking Mahiwagang Maleta
Si "K" isang kaibigan
Ni Yuri Cipriano
Siya ang kasama ko sa silid
Na madilim.
Umagapay sa malaong
Pag-iisa,
Nagsabit ng kapayapaan
Sa aking leeg.  Lumagot
Sa mga tanikala:
Asawang kumapit sa iba
Nagkandadong kompanya
Siya ang naghatid sa akin
Sa liwanag.
Al Satwa, Dubai, UAE
Sa Ilalim ng Bagong Buwan
Ako kaya’y magbabago na rin? Hindi.
Hindi tulad nila, na ang buong katawa’y
binabalutan na ng itim na tela –
pati na mukha.
Hanggang sa mga mata na lang
at mga palad
ang matirang nakikita.
Sila, na ang ipinapabango na’y insenso
at nagpipinta na ng itim na tinta
sa mga kamay.
Sila na aking mga Kababayan,
na kapag naharap sa kagipitan,
ang bagong bukambibig ay…
Ash – hadu an la illaha illal-lah!
Deira, Dubai, UAE
Ang Pangarap ng Pugot na Ulo
Ni Yuri Cipriano
May pugot na ulong nakabilad sa disyerto
dilat ang kanyang mga mata, duguan ang mukha at nakabuka ang bibig.
Mayamaya pa’y matatabunan na siya ng mga buhanging ginugulo ng hangin.
Hindi ito ang kanyang pangarap.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mga nakaraan ay binalikan.
Noong siya ay namamasukan sa amo niyang manyakis.
Nagising siyang may palad sa bibig, sa ari niya ay may kalbong nakaumang – galit.
Siya ay nanlaban.  Ngunit ang demonyo’y malakas, leeg niya’y tinagpas.
Hindi ito ang kanyang pangarap.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mga nakaraan ay binalikan.
Noong sa Pilipinas siya’y umalis at sa bansang mabuhangin ay nakarating,
nalamang huwad ang kabayang nangako na sa trabaho siya’y ipapasok.
Naloko na, itinakbo na ang kanyang inutang na pera.
Hindi ito ang kanyang pangarap.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at mga nakaraan ay binalikan.
Learn Real English Conversation Now » How To Speak Like A Native Speaker
In all of the research, one piece of information stands out from the others: children learn to speak any language without textbooks, vocabulary lists, or grammar rules.
They all learn by conversation and very specific methods.
Sa Dalampasigan
ang simoy sa dalampasigan
handog ay pagsintang
'di magmamaliw
makailang ulit mang
Wedding Photo Album
Paano Panghawakan ang Pagkainip?